" Team Mapagbago
ng Grade 12"
Sa isang
liblib na lugar sa baryo ng Sta. Ana mayroong pamilya ng Agustin na nakatira.
Sila ay may isang anak na nangangalang
Christine na sobra nilang mahal at protektadong-protektado dahil nag-iisang
anak nila ito.Ang ama ni Christine na si G.Teofilo ay isang guro sa
pampublikong paaralan sa baryo nila at ang ina naman niya ay si Gng. Faustina
na isang may bahay lang.
Si Christine ay
nag-aaral sa paaralan na tinuturuan ng kanyang ama. Masaya siya sapagkat hindi
siya nahihirapan sa mga leksyon dahil nandoon ang tatay niya upang turuan siya.
Sa paglipas ng panahon, nakatapos si Christine sa pag-aaral sa elementarya at
nagpatuloy sa sekondarya sa kanilang lungsod. Mula Grade 7 hanggang Grade 11 ay
pawang bahay at paaralan lang ang kanyang napupuntahan hanggang sa naging Grade
12 na siya ay mayroon silang J-S Prom na dapat makasali ang lahat. Nagpaalam si
Christine sa mga magulang niya na " Nay, Tay maaari po ba akong sumali sa
JS Prom namin? Kailangan po na kaming
lahat ay dumalo, " sabi ni Christine ngunit ang isinagot lang ng mga
magulang niya ay, "Hindi maaari anak dahil gabi iyan, maraming mga masasamang
tao at baka mapagtripan ka. Sana maiiintindihan mo kami," sagot ng nanay
at tatay niya. Naiintindihan naman ito ni Christine ngunit mau sakit pa rin na
nararamdaman niya sa puso na sobrang higpit ang kanyang mga magulang na parang
wala na siyang kalayaan. Nagmukmuk siya sa kwarto at umiiyak.
Sa sandaling
iyon ay biglang napatawag ang kanyang kaibigan na si Isabel at tinanong kung
papunta ba siya sa Prom nila at sinabi ni Christine na hindi raw, ngunit sinabi ni Isabel na maaari ba siyang
lumabas kahit sandali dahil may gusto itong ipakita sa kanya, ang pinsan niya
na si Alonzo na matagal nang may gusto kay Christine at alam ni Isabel na may
gusto rin si Christine sa kanya. Ngunit pinipigilan lang nila ito. Lumabas si
Christine sa bahay nila at naglalakad sa daan patungo kina Isabel, nakikita na niya sina Isabel at Alonzo na
kumakaway sa kanya. Patawid siya sa daan ngunit hindi niya namalayan na mayroon
palang isang malaking bus na kumakaripas ang takbo at nasagasaan siya.
Nagmamadali si Isabel at Alonzo at
tumawag agad ng ambulansiya at dinala si Christine sa hospital ngunit idineklara
itong " dead on arrival ". Agad-agad
na sumugod sa hospital ang nanay at tatay ni Christine at nanglulunis ito sa
sobrang lungkot at sakit sa sinapit ng anak niya. Si Alonzo naman ay sobrang nasaktan
at nanghinayang dahil hindi hindi niya napagtapat ang nararamdaman. Si Isabel
naman ay nagsisisi, kung hindi sana niya pinapunta sa bahay nila ay hindi sana
ito nasagasaan.
Higit na nagdurusa ang mga magulang
niya dahil sa sinapit ng kanyang kaisa - isang anak. Pinagsisihan din nila ang
nangyari na sana hindi nalang nila labis na hinigpitan ang anak. Pagkatapos ng
burol ni Christine ay agad-agad silang nagsi uwian. Samantalang si Christine sa
kabilang buhay ay humiling sa panginoon na maaari ba siyang bumalik sa lupa
dahil may kailangan pa siyang gawin. Nakita ng panginoon ang pagdurusa at
hinagpis ng kanyang pamilya at kaibigan sa lupa kaya sinabi ng panginoon na
" humayo ka at bumalik sa lupa bilang kaluluwa at ang tanging makakakita lang
sayo ay si Alonzo at matapos magawa ang nais mong gawin ay kusang magliliwanag
ang kaluluwa at babalik kana dito sa langit. " Naiintindihan naman ito ni
Christine at agad siya pinahatid ng anghel dito sa lupa.
Sa pagdating
ng kaluluwa ni Christine dito sa lupa ay nakita niya doon puntod niya si Alonzo
na umiiyak at hindi muna siya nagpakita at pumunta siya sa bahay nila at nakita
niya ang mga magulang niya na may lungkot sa mga mata, kaya ang ginawa niya ay hinipan
niya ang kandila at nangingilabot ang balahibo ng mga magulang niya. Pagkatapos umalis ito papunta sa bahay nina
Alonzo at nakikita niya ito na umiiyak kaya niyakap niya ito at sinabing "
tahan na Alonzo mahal ko, nandito na ako" at nagulat si Alonzo at niyakap
niya ito at sinabing isama mo ako sa langit habang umiiyak. Dahil sa nangyari
kaya napag-isipan nila na pumunta sa puntod ni Christine upang magdasal. Hinawakan ni Christine si Alonzo at sinabing
" pasensya kana Alonzo dahil hindi ko naipadama sayo noong nabubuhay pa
ako kung gaano kita kamahal". Sinabihan
din ni Christine ang mga magulang niya na mahal na mahal niya ito at huwag na
nilang sisihin ang kanilang sarili sa nangyari dahil naiintindihan niya ito. Ipinahahayag
niya ito sa pamamagitan ni Alonzo. Sumagot ang mga magulang ni Christine "
Patawarin mo kami anak dahil sa sobrang higpit namin sa iyo dahil na rin sa
sobrang mahal ka namin ".
Nagyayakapan
silang tatlo at Nag-iiyakan. Ngunit lumiwanag ang kaluluwa ni Christine kaya
nagpaalam na siya sa mga magulang at kay Alonzo. Hinalikan ni Alonzo ang noo ni
Christine at sinabing " mag iingat ka at hintayin mo ang pagdating
ko". at umiiyak si Christine at sinabing " mahal kong Alonzo, hihintayin
kita at sana hindi mo ako makakalimutan, Paalam". Niyakap din ni Christine
ang mga magulang niya at sinabing "Ma, Pa, Paalam, mag-iingat kayo dito mahal
na mahal ko kayo". Unti-unting nawala ang liwanag at naglaho na si
Christine. Sa pagdating niya sa langit ay kinumusta ito ng panginoon kung ano
ang nangyari, sinabi ni Christine na nagawa niya ang dapat niyang gawin.
Mula noon ay
naging masaya ang pamumuhay ng mga magulang,
kaibigan, at ni Alonzo sa lupa dahil sa gabay ni Christine sa langit.
At dito
nagtatapos ang kwento ng isang babaeng HINIGPITAN, NAMATAY, BUMALIK, NAGMAHAL, at NAMAHINGA ng
matiwasay sa langit.