Huwebes, Oktubre 5, 2017

"A LOVE TO REMEMBER"

Related image

 
                    "  Team  Mapagbago ng Grade 12"


Sa isang liblib na lugar sa baryo ng Sta. Ana mayroong pamilya ng Agustin na nakatira. Sila ay may isang anak na  nangangalang Christine na sobra nilang mahal at protektadong-protektado dahil nag-iisang anak nila ito.Ang ama ni Christine na si G.Teofilo ay isang guro sa pampublikong paaralan sa baryo nila at ang ina naman niya ay si Gng. Faustina na isang may bahay lang.

Si Christine ay nag-aaral sa paaralan na tinuturuan ng kanyang ama. Masaya siya sapagkat hindi siya nahihirapan sa mga leksyon dahil nandoon ang tatay niya upang turuan siya. Sa paglipas ng panahon, nakatapos si Christine sa pag-aaral sa elementarya at nagpatuloy sa sekondarya sa kanilang lungsod. Mula Grade 7 hanggang Grade 11 ay pawang bahay at paaralan lang ang kanyang napupuntahan hanggang sa naging Grade 12 na siya ay mayroon silang J-S Prom na dapat makasali ang lahat. Nagpaalam si Christine sa mga magulang niya na " Nay, Tay maaari po ba akong sumali sa JS Prom namin?  Kailangan po na kaming lahat ay dumalo, " sabi ni Christine ngunit ang isinagot lang ng mga magulang niya ay, "Hindi maaari anak dahil gabi iyan, maraming mga masasamang tao at baka mapagtripan ka. Sana maiiintindihan mo kami," sagot ng nanay at tatay niya. Naiintindihan naman ito ni Christine ngunit mau sakit pa rin na nararamdaman niya sa puso na sobrang higpit ang kanyang mga magulang na parang wala na siyang kalayaan. Nagmukmuk siya sa kwarto at umiiyak.

Sa sandaling iyon ay biglang napatawag ang kanyang kaibigan na si Isabel at tinanong kung papunta ba siya sa Prom nila at sinabi ni Christine na hindi raw,  ngunit sinabi ni Isabel na maaari ba siyang lumabas kahit sandali dahil may gusto itong ipakita sa kanya, ang pinsan niya na si Alonzo na matagal nang may gusto kay Christine at alam ni Isabel na may gusto rin si Christine sa kanya. Ngunit pinipigilan lang nila ito. Lumabas si Christine sa bahay nila at naglalakad sa daan patungo kina Isabel,  nakikita na niya sina Isabel at Alonzo na kumakaway sa kanya. Patawid siya sa daan ngunit hindi niya namalayan na mayroon palang isang malaking bus na kumakaripas ang takbo at nasagasaan siya.

             Nagmamadali si Isabel at Alonzo at tumawag agad ng ambulansiya at dinala si Christine sa hospital ngunit idineklara itong " dead on arrival ".  Agad-agad na sumugod sa hospital ang nanay at tatay ni Christine at nanglulunis ito sa sobrang lungkot at sakit sa sinapit ng anak niya. Si Alonzo naman ay sobrang nasaktan at nanghinayang dahil hindi hindi niya napagtapat ang nararamdaman. Si Isabel naman ay nagsisisi, kung hindi sana niya pinapunta sa bahay nila ay hindi sana ito nasagasaan.

            Higit na nagdurusa ang mga magulang niya dahil sa sinapit ng kanyang kaisa - isang anak. Pinagsisihan din nila ang nangyari na sana hindi nalang nila labis na hinigpitan ang anak. Pagkatapos ng burol ni Christine ay agad-agad silang nagsi uwian. Samantalang si Christine sa kabilang buhay ay humiling sa panginoon na maaari ba siyang bumalik sa lupa dahil may kailangan pa siyang gawin. Nakita ng panginoon ang pagdurusa at hinagpis ng kanyang pamilya at kaibigan sa lupa kaya sinabi ng panginoon na " humayo ka at bumalik sa lupa bilang kaluluwa at ang tanging makakakita lang sayo ay si Alonzo at matapos magawa ang nais mong gawin ay kusang magliliwanag ang kaluluwa at babalik kana dito sa langit. " Naiintindihan naman ito ni Christine at agad siya pinahatid ng anghel dito sa lupa.

Sa pagdating ng kaluluwa ni Christine dito sa lupa ay nakita niya doon puntod niya si Alonzo na umiiyak at hindi muna siya nagpakita at pumunta siya sa bahay nila at nakita niya ang mga magulang niya na may lungkot sa mga mata, kaya ang ginawa niya ay hinipan niya ang kandila at nangingilabot ang balahibo ng mga magulang niya.  Pagkatapos umalis ito papunta sa bahay nina Alonzo at nakikita niya ito na umiiyak kaya niyakap niya ito at sinabing " tahan na Alonzo mahal ko, nandito na ako" at nagulat si Alonzo at niyakap niya ito at sinabing isama mo ako sa langit habang umiiyak. Dahil sa nangyari kaya napag-isipan nila na pumunta sa puntod ni Christine upang magdasal.  Hinawakan ni Christine si Alonzo at sinabing " pasensya kana Alonzo dahil hindi ko naipadama sayo noong nabubuhay pa ako kung gaano kita kamahal".  Sinabihan din ni Christine ang mga magulang niya na mahal na mahal niya ito at huwag na nilang sisihin ang kanilang sarili sa nangyari dahil naiintindihan niya ito. Ipinahahayag niya ito sa pamamagitan ni Alonzo. Sumagot ang mga magulang ni Christine " Patawarin mo kami anak dahil sa sobrang higpit namin sa iyo dahil na rin sa sobrang mahal ka namin ".

Nagyayakapan silang tatlo at Nag-iiyakan. Ngunit lumiwanag ang kaluluwa ni Christine kaya nagpaalam na siya sa mga magulang at kay Alonzo. Hinalikan ni Alonzo ang noo ni Christine at sinabing " mag iingat ka at hintayin mo ang pagdating ko". at umiiyak si Christine at sinabing " mahal kong Alonzo, hihintayin kita at sana hindi mo ako makakalimutan, Paalam". Niyakap din ni Christine ang mga magulang niya at sinabing "Ma, Pa, Paalam, mag-iingat kayo dito mahal na mahal ko kayo". Unti-unting nawala ang liwanag at naglaho na si Christine. Sa pagdating niya sa langit ay kinumusta ito ng panginoon kung ano ang nangyari, sinabi ni Christine na nagawa niya ang dapat niyang gawin.

Mula noon ay naging masaya ang pamumuhay ng mga magulang,  kaibigan, at ni Alonzo sa lupa dahil sa gabay ni Christine sa langit.

At dito nagtatapos ang kwento ng isang babaeng HINIGPITAN,  NAMATAY, BUMALIK, NAGMAHAL, at NAMAHINGA ng matiwasay sa langit.
Image result for love
Related image
Image result for love